Paano Mo Raw Mabibigyan Ng Kaligtasan Ang Mga Kaluluwang Naghihirap Sa Purgatoryo? Sangayon Ka Ba Rito?, -Noli Me Tangere, -Kabanata 18

Paano mo raw mabibigyan ng kaligtasan ang mga kaluluwang naghihirap sa purgatoryo? sangayon ka ba rito?

-noli me tangere
-kabanata 18

Noli Me Tangere

Kabanata 18: Ang mga Kaluluwang Naghihirap

Sang ayon sa kabanatang ito, isang paraan lang ang nakapagbibigay ng kaligtasan sa mga kaluluwang naghihirap sa purgatoryo. Ang pamamaraan na ito ay ang pagkakaroon ng indulhensya plenarya. Sinasabing ang katumbas ng isang kabayaran sa indulhensya ay isang libong kaluluwang nagdurusa na mahahango mula sa purgatoryo. Ang karaniwang nagbibigay ng indulhensya ay ang mga mayayaman sapagkat malaki ang paniniwala nila sa turo ng mga prayle ukol sa paniniwalang ito. Samantalang ang mga may pangkaraniwang pamumuhay ay nagpipilit na makapagbayad upang mailigtas ang kanilang mga yumao.

Sa kabuuan, hindi ako sang ayon sa pagbibigay ng indulhensya. Bukod sa ito ay mabigat na pasanin pampinansyal sa mga mahihirap na pamilya, ang binabayad na salapi ay hindi naman para sa Diyos inilalaan kundi sa tao napupunta. Sapagkat naniniwala din ako na ang kaligtasan ng ating mga kaluluwa buhay man o patay ay nakasalalay sa Diyos. Ang pagkakaroon ng sapat at matibay na pananampalataya ang siyang totoong makapagliligtas sa tao. Ang lahat ng mga panalangin ng tao ay may malaking kontribusyon sa kaligtasan na ito. Sapagkat ang Diyos kailanman ay hindi humihingi ng kapalit o kabayaran sa mga bagay na ginawa niya para sa mga tao.

Read more on

brainly.ph/question/258023

brainly.ph/question/1353629

brainly.ph/question/517021


Comments

Popular posts from this blog

Postulate Or Theorem, 1.Two Parallel Lines Never Meet., 2.If The Side Of A Square Iss 5, Then Its Volume Is 5\Xb3, 3.If I Am A Father Then I M A Man.

Kahugan Ng Dilidili